20 Apr 2016

An open letter to Registered voters in my beloved Philippines

Hi! Magandang hapon, magandang umaga at magandang gabi sa iyo.

Hindi ako narito para i-promote o ipamukha sa inyo kung sino ang dapat mong iboto sa nararating na eleksyon. Eleksyon na naman, marahil ngayo'y desidido ka na sa iyong iboboto. Matanong ko lang, sa tingin mo ba karapat rapat ang iboboto mo na umupo sa pusisyon na kahit anong mangyari ay susundin at susundin mo kahit magkanda leche leche ulit ang buhay mo?

Isipin mo na lang. Hindi ka kilala ng kandidatong pipiliin mo. Pero kaya ka ba niyang bigyan ng isang magandang kinabukasan? Hindi ka niya kilala. Sa milyung-milyong taong namumuhay sa ating bansa, sa tingin mo ni sa isang saglit man lang maalala ka nya?

Isipin mo na lang din no? Paano kung ikaw ang nasa kalagayan ng taong nagkakayod para makatayo, nag iisip kung saan makakakuha ng makakain, panghanap buhay. Katulad nung mga magsasaka sa Kidapawan na ikinulong pa dahil lang sa paghingi nila ng tulong sa ating lokal na pamahalaan. Wala kang magawa hindi ba? at nakikita mo pa na pangangaralan ang mga taong nag alipusta, kaysa sa mga biktima na dapat nilang bigyan ng proteksyon at pangalagaan.

Hindi mo maisip no? dahil kahit paano mapalad ka pa din dahil hindi mo nararanasan ang hirap ng buhay nila. Hindi mo nararanasan, nakikita mo, nagcocomment ka, nagttype ka ng "amen" i-share mo, tag mo sila ah pero pagkatapos ng lahat ng ito, makakalimutan mo din ang nangyari.

Araw-araw, may masama kang naririnig sa paligid mo. Minsan, pag nangyari sa kaaway mo ay masasabi mo pang "buti nga sa kanya. Karma lang beh!". Pero kung iisipin mo, yung iboboto mo ay katulad mo din. Mahilig manisi kaysa iako ang pagkakamali. Ngumingiti sa oras na dapat ay nagluluksa. Ilalagay ka kung saan ka dapat kalagyan.

Ilalagay ka kung saan ka dapat. Sa dinami daming nangyayari sa paligid mo, nakakatakot di ba? Laganap sa social media ang lahat ng pangyayari. Minsan nga masnauuna pa ang facebook kaysa sa balita sa TV. Pero isipin mo na lang din no? Katulad na lang ni nanay na nabiktima ng Laglag bala modus sa loob ng airport, iboboto mo ba ang taong sasabihan ka ng hindi problema ng gobyerno kung ikaw ang nahulihan.

Sentido Comun lang ser, sinong tanga ang magpapasok ng kontrabando sa airport? at isang bala lang? Asan na ang baril? Ito ang hindi ko maintindihan. Bilang miyembro ng pamahalaan, kailangan mong protektahan ang mga taong nagluklok sayo sa pwesto. Kahit maliit na isyu lang ito para saiyo, sabi nga nila pag hindi mo ginawan ng paraan ang maliit na butas ay lumalaki. Konting gusot, dumadami.

Inilagay mo siya diyan dahil malakas ang tiwala mo sa kaniya na kaya niyang gampanan ang pagiging presidente. Kasabay ng pag ganda ng ating ekonomiya, kasabay din ang pagtaas ng krimen sa mga kilalang lungsod. Ni hindi ka nga maprotektahan kung saka sakaling masama ka doon sa nangyari sa tourist bus na na hostage. Tatawanan ka pa niya.

Gumising ka. Aanohin mo ang pansamantalang pang tawid gutom kaysa sa ilang taong mong pag ginhawa?

Ayaw mo sa taong palamura? mahilig mambabae? Matanong ko lang, sa araw araw, hindi ka ba nakakatagpo ng batang masmalutong pa sayo magmura? O yung gagong babaero sa kanto na kahit gaanon sila, madami pa din nahuhumaling.

Bakit ba mas gusto nating iluklok sa pwesto ang mamumulaklak magsalita at kilala na? yung parang artistahin kung baga?

Kung iisipin mo lang din no? bakit mas kailangan mong ipakita ang magandang ikaw kaysa sa kung ano ka talaga? minsan nga masmabaho pa sa tae ang pinagsasabi mo at kung makahusga ka ng tao.

Ang pagboboto ay parang sa pag ibig lang. Lahat tayo takot magpakita ng mali o pangit dahil takot tayong mapahiya. Pero ang pinaka masarap at pinaka mahirap hanapin ay ang taong kahit anong ugali ang meron ka, handang handa ka nyang tanggapin at mahalin para sa bandang huli matutunan mo din mahalin ang sarili mo.

Pumili ka ng taong kayang mahalin ka bilang pilipino, kaya kang protektahan at alam mong kahit anong mangyari, magtiwala ka lang. Walang imposible sa taong naniniwala.

Wag kang magpapadala sa mga pamaskong binibigay nila taun-taon dahil sa simula pa lang... binibili na nila ang boto mo.

Maghanap ka ng taong inaamin nga niya ang kanyang pagkakamali kaysa sa mga taong mahilig mangbintang at pilit na nang aangkin ng mga proyektong hindi man niyang sinimulan.

Maghanap ka ng taong kahit alam niyang walang kamera o kahit ano pa ay iiyak kapag ika'y namatay dahil sa krimen, dahil nasalanta ka ng bagyo, at dahil alam niya sa sarili niya, kaya ka pa niyang iligtas at tulungan.

Maghanap ka ng taong tuturuan kang mahalin ang sarili mo at ang kapwa mo kahit hindi kayo magkasundo. Yung taong matatakot ka din dahil kahit siya mismo ay takot sa batas.

Hanggang dito na lang ho muna ang aking mensahe para sa iyo. Sana ho'y busisiin nyo po ng mabuti ang inyong pipiliin.

Maraming salamat ho sa oras na ibinigay niyo ho sa pagbabasa :D at mabuhay po kayo.

No comments:

Post a Comment